Wagi sa kanilang inihaing US Chapter 11 petition ang Philippine Airlines (PAL).

Dahil dito, mababawasan ang utang nila ng $2.1 billion at magbibigay-daan sa pagbangon nila sa pandemya.

Sa inilabas na statement, sinabi ng PAL na inaprubahan ng US Bankruptcy Court ng Southern District of New York ang kanilang plan of reorganization na inihain nila noong Setyembre 3.

“Today’s court approval represents a critical moment in our journey to emerge as a stronger airline. We are thankful for our loyal customers, dedicated employees, and the support of our shareholders and partners and government, which has enabled us to move efficiently through the process and reach this milestone,” pahayag ni Gilbert Santa Maria, PAL president at chief operating officer.

Ani Santa Maria, mayroon pa silang ilang hakbang na gagawin bago makumpleto ang proseso ng Chapter 11 pero pagkatapos nito’y magpopokus na sila sa pagseserbisyo sa publiko.

Bago maghain ng Chapter 11 plea, may kabuuang $4.1 billion ari-arian ang kompanya at $6.07 billion pananagutan.

Sa ilalim ng recovery plan, babawasan ng PAL ang mga eroplano nito ng 25% at kakanselahin na ang mga hindi kumikitang mahahabang ruta.

Nagpatuloy ang PAL ng pagpapatakbo sa 32 international at 29 domestic flight mula sa mga hub nito sa Manila, Cebu at Davao.

The post PAL recovery plan inaprub ng US court first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pal-recovery-plan-inaprub-ng-us-court/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pal-recovery-plan-inaprub-ng-us-court)