Kinondena ng Malacañang ang pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Jesus Malabanan sa kanyang tahanan sa Calbayog City.

Ayon kay Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco, walang kapatawaran ang ganitong aksiyon laban kay Malabanan dahil ginawa ang krimen sa panahon ng pandemic.

Sinabi ni Egco na kaibigan niya si Malabanan at nangakong mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.

“This cowardly killing in the midst of a pandemic is truly unforgivable. We will get to the bottom of this and will stop at nothing in bringing to justice the perpetrators of this despicable crime,” ani Egco.

Si Malabanan ay correspondent ng Manila Standard.

Batay sa report ng pulisya, binaril at napatay ang biktima ng hindi nakikilalang salarin Miyerkoles ng gabi, Disyembre 8, habang nanonood umano ito ng telebisyon sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay San Joaquin, Tinambacan District sa Calbayog City.

The post Palasyo kinondena pagpatay sa beteranong journalist sa Samar first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palasyo-kinondena-pagpatay-sa-beteranong-journalist-sa-samar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=palasyo-kinondena-pagpatay-sa-beteranong-journalist-sa-samar)