Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na naglalayong palakasin ang mga field office ng Commission on Elections (Comelec).

Nais ng House Bill 10579 na amyendahan ang Section 53 ng Omnibus Election Code (Batas Pambansa Bilang 881) upang mabago ang klasipikasyon at lumikha ng bagong posisyon sa mga filed offices ng Comelec.

Sa ilalim ng panukala ang Regional Election Director ay magiging katumbas ng Director IV at tatanggap ng salary grade 28 (P142,683 – P159,804).

Ang Provincial Election Director ay magiging katumbas ng Director II at tatanggap ng salary grade 26 (P111,742 – P125,150).

Lilikhain naman ang Highly Urbanized City (HUC) Election Office na pamumunuan ng HUC Election Director na katumbas ng Director II.

Ang City o Municipal Election Officer ay magiging katumbas ng Director I na may sweldong salary grade 24 (P86,742 – P97,152).

The post Panukalang magpapalakas sa Comelec field offices umusad first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/panukalang-magpapalakas-sa-comelec-field-offices-umusad/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=panukalang-magpapalakas-sa-comelec-field-offices-umusad)