Lumabas sa 2021/2 Global Education Monitoring (GEM) Report ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na 36% ng mga pamilya sa Pilipinas ang nangungutang upang may ipambayad sa tuition ng kanilang mga anak.

Ayon pa sa ulat, ang mga pamilya mula sa low- at lower-middle-income country ay nagbabayad ng 39% sa gastusin sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Samantala, sa mga mayayamang bansa, 16% lang ng gastusin sa pag-aaral ang ginagastos ng mga pamilya.

Bukod dito, 8% ng mga pamilya mula sa low- at middle-income na bansa ang kailangang mangutang para makapag-aral ang kanilang mga anak.

“We have underestimated just how much families are still paying for education when according to governments it should be free,” ayon kay Manos Antoninis, direktor ng GEM Report.

Gaya ng Pilipinas, sa mga bansang Uganda, Haiti at Kenya ay 30% ng mga pamilya ang nangungutang para may maipang-aral ang kanilang mga anak.

Dagdag pa ng ulat, ang nagpapataas ng gastusin ay ang pag-aaral sa mga pribadong paaralan, na bunga naman ng kakulangan sa regulasyon sa pampublikong edukasyon.

The post Para sa tuition! 36% pamilyang Pinoy asa sa utang – UNESCO first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/para-sa-tuition-36-pamilyang-pinoy-asa-sa-utang-unesco/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=para-sa-tuition-36-pamilyang-pinoy-asa-sa-utang-unesco)