Tiyak ang matinding aksiyon sa pasiklaban nina Bobby Ray Parks Jr. ng Nagoya Diamond Dolphins at Dwight Ramos ng Toyama Grouses sa Japan’s 6th B.League 2021-22 regular round ngayong Sabado ng alas-2:05 ng hapon sa Dolphins Arena.

Parehas nasa three-straight wins ang Dolphins at Grouses kaya kaabang-abang ang banggaan ng dalawang Pinoy import at kanilang mga kampo na asintang mga umgat pa sa katayuan.

Nilampaso ng Nagoya (12-7) ang Seahorses Mikawa nitong Miyerkoles, 82-65, kung saan nagposte si Parks ng 13 markers at tig-2 rebounds at assists.

Iginapos naman ng Grouses (7-12) sa parehas na araw ang Shinshu Brave Warriors, 92-75, na rito’y may krusyal na walong puntos, anim na rebound, at tatlong assist si Ramos.

Makikipagtuos din si Javier Joaquin Gomez De Liano ng Ibaraki Robots (3-16) kontra Alvark Tokyo (12-7) at si Kobe Paras ng Niigata Albirex BB (2-17) laban sa Hiroshima Dragonflies (11-8).

The post Parks, Nagoya aarya vs Toyama first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/parks-nagoya-aarya-vs-toyama/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=parks-nagoya-aarya-vs-toyama)