Binatikos ng Partido Reporma ni presidential aspirant at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang ginanap na ‘UniTeam’ caravan nina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at Sara Duterte-Carpio sa Quezon City nitong Miyerkoles.

Ayon kay Partido Reporma treasurer Arnel Ty, dapat ay tingnan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission on Elections (Comelec) ang ginanap na caravan dahil marahil ay may nilabag ito sa patakaran lalo na sa health protocols dahil sa dami ng dumagsang taga-suporta.

Nagsimula ang caravan dakong alas-8:00 ng umaga at natapos dakong alas-1:00 ng hapon at nagdulot ng matinding trapiko sa ilang parte ng siyudad.

“Partido Reporma laments that in the time of pandemic, there are politicians who still subscribe to that kind of politics where common decency and basic social conventions are being swept under the rug for political expediency,” pahayag ni Ty.

Sa kabilang panig, humingi ng paumanhin ang kampo ni Marcos dahil sa abala na naidulot ng mabigat na daloy ng trapiko habang isinasagawa ang caravan.

The post Partido Reporma sinuka UniTeam caravan sa QC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/partido-reporma-sinuka-uniteam-caravan-sa-qc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=partido-reporma-sinuka-uniteam-caravan-sa-qc)