Imbis na motorcade ay sa ferry boat sa Pasig River sasakay ang mga artista para sa “Parade of Stars” na isa sa mga highlight ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nitong Disyembre 13, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatuloy ng parada ng mga artista para sa MMFF sa darating na Linggo.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ito ay dahil sa pagluwag ng quarantine restriction sa National Capital Region (NCR).

Dagdag pa ni Abalos, nais nitong mahikayat ang publiko na sumakay sa ferry boat bilang alternatibong transportasyon sa Metro Manila.

“The fluvial parade will showcase the ferry service and at the same time encourage the public to ride the agency-operated Pasig River Ferry Service, an alternative transportation across Metro Manila,” ani Abalos.

Paliwanag ni Abalos, bukod sa mga artista at palabas, layunin din nitong i-highlight ang ganda ng Pasig River.

“Through this fluvial parade, we hope to encourage the public to ride the ferry service which sails from Pinagbuhatan in Pasig to Intramuros in Manila. This alternative transportation is traffic-free and you’ll get to appreciate the beauty of the river and the arts along the riverbanks,” pahayag nito.

Samantala, noong nakaraang taon, idinaos online ang “MMFF Parade of Stars” dahil sa banta ng COVID-19. (Sherrylou Nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Pasig River ferry boat gagamitin sa parada ng mga artista sa MMFF — MMDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasig-river-ferry-boat-gagamitin-sa-parada-ng-mga-artisa-sa-mmff-mmda2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pasig-river-ferry-boat-gagamitin-sa-parada-ng-mga-artisa-sa-mmff-mmda2)