Nakalaya na sa banta ng COVID-19 ang munisipalidad ng Pateros nitong Disyembre 4.

Ayon sa Pateros Health Department, wala ng aktibong kaso at walang naitalang bagong kaso sa lugar.

Ayon sa datos, ang munisipalidad ay mayroong zero active case mula sa 7,957 na kumpirmadong kaso; 7,840 na kabuuang recoveries; at 106 na namatay sa coronavirus.

Samantala, noong Nobyembre 24, fully vaccinated na ang 62,468 na indibidwal sa Pateros habang 69,634 na indibidwal na ang nakatanggap ng unang dosis. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Pateros laya na sa Covid 19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pateros-laya-na-sa-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pateros-laya-na-sa-covid-19)