Walang pasyente ng COVID-19 ang na-admit sa Philippine General Hospital (PGH) sa nakalipas na dalawang araw.

Sinabi ni Dr. Jonas Del Rosario nitong Biyernes, sa kasalukuyan, nasa 54 na pasyente na lamang ang nasa PGH.

Dagdag pa ni Rosario, ito ang pinakamaliit na bilang sa loob ng mahigit isang taon.

“One good news is I was told for the last two days, we have not admitted anybody for COVID. Our numbers are continuously going down,” pahayag nito sa Headstart.

Sinabi rin ni Del Rosario, nakapagbawas na ang hospital ng mga ward para sa mga pasyente ng COVID-19.

“Now we have trimmed it down. We were able to close the three COVID wards and open it to non-COVID patients. That’s really a big boost,” ani Del Rosario.

Aniya, nakikita na sa bansa ang pagbaba sa mga bagong kaso ng coronavirus araw-araw. (Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post PGH walang bagong pasyente ng Covid-19 sa loob 2 araw first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pgh-walang-bagong-pasyente-ng-covid-19-sa-loob-2-araw/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pgh-walang-bagong-pasyente-ng-covid-19-sa-loob-2-araw)