Hindi itutuloy ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) ang kanilang ‘PhilHealth holiday’ na nakatakda sanang ganapin mula Enero 1 hanggang 5, 2022, ayon sa pahayag ng kanilang pangulo ngayong Miyerkoles.
“No. Postponed muna per request of concerned citizens and patient groups so they can be informed well and advised on what to do during the holiday,” wika ni PHAPi president Dr. Jose Rene De Grano sa panayam ng Inquirer.
Sa naturang PhilHealth Holiday, ang mga ospital na miyembro ng PHAPi ay hindi tatanggap sa kanilang mga pasyente ng kaltas para sa PhilHealth mula Enero 1 hanggang 5.
Ito ay bilang pagsuporta sa ilang pribadong pagamutan na nagpahayag ng pagkalas sa PhilHealth dahil sa mga hindi nabayarang claim ng state insurer.
Ilan sa mga kakalas sa PhilHealth sa Enero ay pitong ospital sa Iloilo City, kung saan may utang ang PhilHealth ng kabuuang halaga na P545 milyon. (mjd)
Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/phapi-binawi-philhealth-holiday/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=phapi-binawi-philhealth-holiday)
0 Mga Komento