Kasabay ng paggunita sa ika-125 taon ng kamatayan ni Gat. Jose Rizal ay inilabas ngayong Huwebes ng Philippine Postal Corp. (PHLPost) ang bagong commemorative stamp ng bayani.
May tema ang mga stamp na: “Rizal: Para sa Agham, Katotohanan at Buhay.”
Ito umano ay naglalaman ng buhay, mga ginawa, at kabayanihan ni Rizal.
Nasa 40,000 kopya ng stamp ang naimprenta ng PHLPost, at ibebenta sa halagang P12 kada piraso.
“Filipino talents and ingenuity should be recognized around the world. Rizal’s determination to achieve his goals to succeed should serve as an inspiration to Filipinos, especially the youth. We should emulate the traits and ideas of our national hero,” wika ni PHLPost general manager Norman Fulgencio.
Ngayong Rizal Day, mabibili ang mga stamp sa philatelic counter ng Manila Central Post Office. (mjd)
““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/phlpost-naglabas-rizal-commemorative-stamp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=phlpost-naglabas-rizal-commemorative-stamp)
0 Mga Komento