Papayagan na ang face-to-face classes sa Metro Manila.

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi matapos ang kanyang pagpupulong sa kanyang gabinete.

Pero nilinaw ng Pangulo na experimental at pilot projects lamang ito sa Metro Manila dahil bumababa na ang bilang ng COVID cases at mababantayan ng mga kaukulang ahensya ang sitwasyon.

“We will allow the face-to-face classes in NCR. Now, do not be dismayed kung hindi sa inyo muna because these are all experimental and pilot projects. Doon muna titingnan natin kasi nandoon lahat ‘yung resources ng government and ‘yung mga official and nandoon at makita kaagad at they can keep posted on what is happening,” anang Pangulo.

Dahan-dahan lamang aniya ang gagawing pagbubukas sa face-to-face classes ng Department of Education (DepEd) at hindi lahat ang mga paaralan sa NCR dahil nais makasigurong ligtas ang mga estudyante sa peligro ng COVID-19.

Bago pinayagan aniya ang mga paaralan na magbukas ay siniguro muna na sumusunod ang mga ito sa mahigpit na health at safety protocols.

“I’m glad that they have thought of this. Just dahan-dahan lang, huwag — huwag masyadong mabilis kasi — just the better part of prudence, ”dagdag ng Pangulo.

Nagbukas na nitong Lunes ang dagdag na mga paaralan sa elementarya sa NCR, tig-dalawang paaralan mula sa mga lungsod ng Caloocan, Las Pinas, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasig, Quezon City, Taguig, Valenzuela at tig-isang paaralan sa Makati, Malabon, Pasay at San Juan. (Aileen Taliping)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Pilot face-to-face class sa NCR aprub kay Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pilot-face-to-face-class-sa-ncr-aprub-kay-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pilot-face-to-face-class-sa-ncr-aprub-kay-duterte)