Iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes na may naitala silang isa pang kaso ng Omicron variant, na siyang ikatlong kaso ng nasabing variant sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ikatlong kaso ng Omicron ay mula sa isang 36-anyos na lalaki na dumating sa Pilipinas mula Qatar noong Nobyembre 28.

Lumapag umano ang eroplanong sinakyan nito sa Mactan-Cebu International Airport.

Nakolekta ang sample nito noong Disyembre 4 at nagnegatibo sa COVID-19 noong Disyembre 19.

Nananatili namang asymptomatic ang naturang pasyente, ngunit hindi umano ito bakunado kontra COVID at may travel history sa bansang Egypt.

“He completed his isolation in Cebu before traveling back to Cavite, his hometown, and immediately underwent home quarantine,” wika ni Vergeire.

Sa kasalukuyan umano ay patapos na ang home quarantine ng naturang pasyente.

The post ‘Pinas 3 na ang kaso ng Omicron variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-3-na-ang-kaso-ng-omicron-variant/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-3-na-ang-kaso-ng-omicron-variant)