Muling nakabalik sa Top 10 ng prestihiyosong Miss Universe pageant ang Pilipinas matapos mapasok ang pambato ng bansa na si Beatrice Luigi Gomez.

Pinahanga ni Gomez ang mga hurado at audience sa swimsuit competition kung saan suot niya ang pula na one piece swimsuit.

Kasama ni Gomez sa Top 10 ang mga pambato ng Paraguay, Puerto Rico, USA, India, South Africa, Bahamas, France, Colombia at Aruba.

Tuloy ang salang ni Gomez sa tangka niyang maging ikalimang Miss Universe ng Pilipinas.

Matatandaang noong nakaraang Miss Universe ay hanggang top 20 lang ang naging pambato ng bansa na si Rabiya Mateo. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post ‘Pinas balik sa Top 10 ng Miss Universe first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-balik-sa-top-10-ng-miss-universe/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-balik-sa-top-10-ng-miss-universe)