Iniulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong Martes na nakapagtabi ng P62 bilyon ang pamahalaan para ipambili ng 32 Black Hawk helicopter at anim na offshore patrol vessel.

“Newly approved funding for capital assets acquisition: 32 units Blackhawk helicopters- P32B. [Six] units OPV – P30B,” saad ni Lorenzana.

Aniya, ang mga Black Hawk helicopter ay bibilhin mula sa PZL Mielec sa Poland habang sa Australian company na Austal naman kukunin ang anim na offshore patrol vessel.

Gayunman, wala pa umanong kontrata para sa pagbili ng mga naturang gamit, na inaasahang magpapalakas ng pwersa ng militar.

Tangka umano nina Lorenzana na mapirmahan ang kontrata bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

“I’m very happy that before his term ends, we will be able to sign the contract for the 32 additional Black Hawk helicopters,” dagdag pa ng kalihim.

The post ‘Pinas bibili pa 32 helicopter, 6 barko – Lorenzana first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-bibili-pa-32-helicopter-6-barko-lorenzana/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-bibili-pa-32-helicopter-6-barko-lorenzana)