Dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng mga tinatamaan ng coronavirus, umangat ang Pilipinas sa COVID-19 resilience ranking ng Bloomberg.
Dating nasa pinakadulo o 53 ang ranggo ng bansa sa nasabing ranking, ngunit ngayon ay umangat ito sa ika-50 na pwesto.
Nakakuha ito ng 52 resilience score mas mataas kaysa sa 43.1 noong Nobyembre.
Ayon sa Bloomberg, dahil sa mataas na vaccination rate, pagbaba ng mga nahahawa ng COVID, at pagbaba ng mga pandemic restriction ang nagpaangat sa pwesto ng bansa.
“The Philippines—ranked last the past three months—edges up three places as restrictions were eased, vaccination rates improved and the positive test rate fell, suggesting that undetected infection is finally coming under control,” batay sa ulat.
Samantala, ang Vietnam na ngayon ang nasa ilalim ng listahan.
The post ‘Pinas hindi na kulelat sa Bloomberg ranking first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-hindi-na-kulelat-sa-bloomberg-ranking/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-hindi-na-kulelat-sa-bloomberg-ranking)
0 Mga Komento