Hindi man nasungkit ang korona bilang Miss Universe ay ipinagmamalaki pa rin ng Pilipinas si Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez sa kanyang pagsali sa 70th Miss Universe beauty pageant sa Israel.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na ikinararangal ng sambayanan ang naabot ni Gomez sa patimpalak matapos makapasok nito sa top 5.

“The Palace commends Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez for bringing joy to our people and honor to our country at the 70th Miss Universe competition in Israel,” ani Nograles.

Isang inspirasyon aniya si Gomez dahil ipinakita nito sa buong mundo kung ano ang karakter ng isang tunay na Pilipina lalo na sa kinakaharap na pagsubok ngayon ng lahat ng mga bansa sa mundo.

“Miss Gomez is an inspiring figure whose participation in Miss Universe allowed the world to see what we in the country witness everyday: strength, grace and beauty of the Filipino woman. We wish Beatrice all the best in her future plans and undertakings. We are all proud of you,” dagdag ni Nograles.

The post ‘Pinas proud pa rin kay Miss Philippines Beatrice Gomez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-proud-pa-rin-kay-miss-philippines-beatrice-gomez/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-proud-pa-rin-kay-miss-philippines-beatrice-gomez)