Ang Pilipinas na lang umano ang bukod-tanging bansa sa Asya na hindi gumagawa ng sariling bakuna para sa alinmang sakit, ayon sa isang Balik Scientist ng Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay Dr. Annabelle Villalobos, kailangang pagtuunan ng pansin ng bansa ng paglikha ng sariling bakuna bilang paghahanda sa posibilidad ng bagong pandemya.

“That is something we need to work on in preparation for another pandemic, or for the time that we really have to supply people with vaccines,” saad ni Villalobos, isang consultant ng Johnson & Johnson Biopharmaceuticals sa isang webinar.

Wika pa ni Villalobos, kung hindi pa makakagawa ng sariling bakuna, maaaring simulan sa bansa ang pag-formulate, filling at packaging ng mga bakuna kung saan ang mga sangkap ay galing sa ibang bansa.

“If the [formulation, filling, and packaging] would be done, it could create at least 250 jobs for scientists, engineers, and personnel in the allied fields,” aniya.

Kaya naman, pinuri rin ni Villalobos ang nakatakdang pagbuo sa Virology Science and Technology Institute of the Philippines na siyang magiging pangunahing research facility ng bansa.

Sa kasalukuyang pandemya na COVID-19, umasa ang Pilipinas sa mga bakunang gawa ng ibang bansa. (mjd)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post ‘Pinas tanging bansa sa Asya na ‘di gumagawa sariling bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-tanging-bansa-sa-asya-na-di-gumagawa-sariling-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-tanging-bansa-sa-asya-na-di-gumagawa-sariling-bakuna)