Tinatayang umabot na sa halos P6 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Odette sa sektor ng agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay DA Secretary William Dar, nasa P5.79 bilyon na ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura, kung saan aabot sa 61,581 magsasaka at mangingisda ang apektado.

Dahil kay Odette, 70,000 ektarya ng pananim ang napinsala kung saan 105,000 metric ton ng mga pananim ang nasayang.

Sa sektor naman ng pangingisda, aabot sa P1.8 bilyon ang halaga ng pinsala.

Nasa P1.7 bilyon naman ang halaga ng pinsala sa mga pananim na palay habang P1.5 bilyon sa mga taniman ng niyog.

“The fishery sector has been hit hardest followed by rice and the third one is coconut,” wika ni Dar.

Wika pa ng kalihim, may inihandang P2.9 bilyon ang ahensya upang pantulong sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda, na kukunin sa 2022 national budget.

The post Pinsala ni Odette sa agri halos P6B – DA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinsala-ni-odette-sa-agri-halos-p6b-da/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinsala-ni-odette-sa-agri-halos-p6b-da)