Makikita sa kalangitan buong buwan ng Disyembre ang planetang Venus.

Pero sa Disyembre 8 ito pinaka-magliliwanag, ayon sa PAGASA.

Bukod dito, magkakaroon din ng Moon-planetary conjunctions, kung saan makikitang malapit ang buwan sa iba pang planeta.

Dagdag ng PAGASA, para sa buong buwan ng Disyembre, ang Venus ay makikita sa timog-kanlurang bahagi ng kalangitan pagkatapos ng paglubog ng araw.

Gayunpaman, sa huling bahagi ng Disyembre, magiging mahirap na umanong makita ang Venus.

The post Planetang Venus masisilayan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/planetang-venus-masisilayan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=planetang-venus-masisilayan)