Positive! Hindi sa COVID kung hindi sa pregnant test (PT) ang resulta na lumabas sa PT kit ni Viy Cortez.

Iba’t ibang emosyon naman ang naramdaman ng sikat na YouTube vlogger matapos nitong malaman na buntis siyang muli.

Sa inilabas na vlog ni Viy nitong Huwebes, ipinakita nito sa video na dalawang beses nag-positibo ang kaniyang PT result.

Agad naman nitong ibinahagi sa kaniyang kasintahan na si Cong Tv, isa rin sa pinakasikat na YT vlogger, ang resulta.

Nagdiwang ang dalawa atsaka ipinamalita sa buong Team Payaman na buntis muli si Viy.

Sinabi pa nito sa vlog na nangangamba siya baka makunan siya ulit at mawala na naman ang kaniyang pinagbubuntis.

Ngunit nawala ang kaniyang pangamba noong pinatignan nila kung may heartbeat na ang bata, at doon na nga nakumpirma na 6 weeks na siyang buntis.

Kamakailan lang, malungkot ang magkasintahan dahi nakunan ng pinagbubuntis si Viy, kaya ganito na lang ito matakot. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Plus one! Viy, CongTv magkakaanak na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/plus-one-viy-congtv-magkakaanak-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=plus-one-viy-congtv-magkakaanak-na)