Isang lugar na lamang sa National Capital Region ang nasa ilalim ng granular lockdown sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, nasa ilalim pa rin ng lockdown ang residential building na may 22 katao sa Quezon City.
Nagtalaga ang PNP ng apat na tauhan sa paligid ng lugar upang matiyak na sumusunod sa health protocols ang mga residente.
Sinabi ng PNP Public Information Office na maarimg magpataw ng lockdown ang mga local government units sa kanilang nasasakupan.
The post PNP: 1 lugar na lang sa NCR nasa ilalim ng granular lockdown first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-1-lugar-na-lang-sa-ncr-nasa-ilalim-ng-granular-lockdown/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-1-lugar-na-lang-sa-ncr-nasa-ilalim-ng-granular-lockdown)
0 Mga Komento