Tinapyasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pondo ng ilang proyekto ng gobyerno para magamit sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Odette.

Sa kanyang pagbisita sa Cebu kamakalawa, sinabi ng Pangulo na maging ang mga ginagawang government project ay pinatigil pansamantala, pati na rin ang pagbili sa supply ng construction materials para may magamit sa pag-alalay sa mga mamamayang nasalanta ng bagyong Odette.

Nakahanap aniya ang Presidente ng 10 bilyong piso at ito ang gagamitin para makabangon muli ang mga Pilipinong naapektuhan ng katatapos na bagyo.

“There is money — I was able to save up 10 billion. I cut the budget of some government projects. For the ongoing projects, I instructed them to temporarily stop them including the supply of construction materials. And then I took some money from the budget allotted for other government projects as well,” anang Pangulo.

Target aniya ng gobyerno na maibigay ang pera ngayong pasko, pero kung hindi umabot lalo na są mga malalayong lugar ay maghintay ng ilang araw dahil hindi agad maipalabas ng mga bangko ang 10 bilyong piso.

Pero tiniyak ni Pangulong Duterte na agad makukuha ng mga mamamayang nasa lungsod ang kanilang tulong dahil may access ang mga ito sa mga bangko.

“But the problem is it’s really not possible. The bank can’t release 10 billion in such a short span of time. And we can’t give it immediately to the people, especially those in far-flung areas. But for you living in urban areas — I talked to Gwen earlier — you will be the first to receive the financial aid because the government and banks already have the technology for it,” dagdag ng Pangulo.

The post Pondo ng mga government project tinapyasan para sa mga biktima ni ‘Odette’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pondo-ng-mga-government-project-tinapyasan-para-sa-mga-biktima-ni-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pondo-ng-mga-government-project-tinapyasan-para-sa-mga-biktima-ni-odette)