Maging ang Santo Papa ay hindi ligtas sa protesta sa kanyang pagbisita sa bansang Greece.

Ayon sa ulat, nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas) ay may isang Orthodox priest na sumisigaw ng “Pope, you are a heretic!” sa salitang Griyego habang dumadaan si Pope Francis.

Ang Santo Papa ay nakatakdang makipagpulong kay Archbishop Ieronymos II ng Athens.

Agad namang nakontrol ng mga security officer ang Orthodox priest, na may katandaan na rin. Hindi na rin inilabas ang kanyang pagkakakilanlan.

Ang Eastern Orthodox religion ay ipinanganak noong 1054 sa tinatawag na The Great Schism, kung saan kumalas ang isang sekta mula sa mga Roman Catholic dahil sa pagkakaiba-iba ng paniniwala.

Si Pope Francis ay nasa Greece para sa tatlong araw na pagbisita. Bago ang kanyang pagpunta sa naturang bansa, si St. Pope John Paul II ang unang Santo Papa na bumisita sa Greece sa loob ng 1,200 taon.

Ayon naman sa ulat ng Vatican News, naging maayos ang pakikipagkita ni Pope Francis kay Archbishop Ieronymos II. (mjd)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Pope Francis tinawag na erehe sa Greece first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pope-francis-tinawag-na-erehe-sa-greece/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pope-francis-tinawag-na-erehe-sa-greece)