Umakyat sa 3.5 milyon ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas noong Oktubre, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mataas ito kumpara sa buwan ng Hulyo kung saan 3.07 milyon ang naitalang walang trabaho.

Samantala, mas mababa naman ito kumpara sa 3.81 milyon noong Oktubre ng nakaraang taon.

“Sa populasyon ng 15 taong gulang pataas, ang bilang ng nasa labor force o mga indibidwal na employed o unemployed ay naitala sa 47.33 million nitong Oktubre 2021,” saad sa pahayag ng PSA.

Samantala, ang underemployed naman sa buwan ng Oktubre ay nasa 7.04 milyon, o 16.1 percent.

Ayon pa sa ahensya, 43,181 pamilya ang nakilahok sa Labor Force Survey noong Oktubre 2021. (mjd)

The post PSA: Walang trabaho sa ‘Pinas 3.5-M first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/psa-walang-trabaho-sa-pinas-3-5-m/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=psa-walang-trabaho-sa-pinas-3-5-m)