Nakuha ni Rep. Alan Peter Cayetano ang unang pwesto sa pinakahuling senatorial survey na inilabas ng Pulse Asia.

Bagamat tumatakbong independent, 100% ng mga respondente sa naturang survey ang pamilyar kay Cayetano, na dati na ring senador.

Kaya naman, 64.1% ng mga respondente ang nagsabing iboboto nila si Cayetano sa 2022 elections.

Samantala, pangalawa naman ang broadcaster na si Raffy Tulfo, na nakakuha ng 60%.

Sina Rep. Loren Legarda (58.7%), Sorsogon Gov. Chiz Escudero (53.9%), at Mark Villar (51.3%) ang iba pang nakapasok sa Top 5.

Swak din sa Magic 12 sina Sen. Migz Zubiri (49.4%), dating bise presidente Jojo Binay (44.7%), Sen. Joel Villanueva (41.6%), Sen. Win Gatchalian (40.1%), Pangulong Rodrigo Duterte (35.8%), Robin Padilla (35.6%) at Sen. Risa Hontiveros (35.5%).

Bagamat nasa labas ng Magic 12 ay hindi naman nalalayo sina Jinggoy Estrada (34.4%) at JV Ejercito (32.1%).

Isinagawa ang survey noong Disyembre 1-6, isang linggo bago umatras si Pangulong Duterte sa senatorial race.

The post Pulse Asia: Cayetano nangungunang bet sa pagka-senador first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulse-asia-cayetano-nangungunang-bet-sa-pagka-senador/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pulse-asia-cayetano-nangungunang-bet-sa-pagka-senador)