Naghain ng panukala si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor para mabigyan ng 20 porsyentong discount sa pagbabayad ng toll fee sa mga skyway at expressway ang mga persons with disability (PWD).

Inihain ni Defensor ang House Bill 10558 ilang araw bago ang pagdiriwang ng International Day of PWDs. Mayroong 1.5 milyong PWD sa bansa.

Tuwing Disyembre 3 ay ipinagdiriwang sa buong mundo ang araw ng PWD upang itaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga taong may kapansanan.

Sa ilalim ng panukala, dapat ay nakarehistro ang sasakyan sa PWD kapag kinuhanan ito ng radio frequency identification devices (RFID) tag o katulad na device.

“Our measure, once enacted, will give greater meaning to the mandate of the 1987 Constitution for the State to prioritize the needs of vulnerable Filipinos,” sabi ni Defensor.

Aamyendahan ng panukala ang Magna Carta for Disabled Persons law na nagbibigay ng 20 porsyentong discount at value-added tax (VAT).

Ang mga PWD ay mayroon ding 20 posyentong discount sa pamasahe. (Billy Begas)

The post PWD bigyan ng discount sa toll fee — Defensor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pwd-bigyan-ng-discount-sa-toll-fee-defensor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pwd-bigyan-ng-discount-sa-toll-fee-defensor)