Humiling si Regine Velasquez ng privacy para sa anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate, matapos niyang madiskubre na ginagamit ang pangalan ng kanilang anak para sa ilang social media account.

Sa kanyang IG post, ibinahagi ni Regine ang screenshot ng isang TikTok account na ipinangalan kay Nate na sa profile ay nakasaad na tila pag-aari talaga ito ng kanilang anak.

Kaya naman, umapela ang singer sa kanilang mga fan na kahit fan-made ay huwag gumawa ng account para kay Nate dahil nais nilang maging pribado ang buhay nito.

“Hi guys makikiusap sana ako na kung may makita kayong mga account sa pangalan ni Nate please help me report them. Actually marami ng accounts ang ginawa for Nate sa Facebook sa IG na walang pahintulut namin,” saad ni Regine sa caption.

“Hindi naman sya artista kaya hindi ko talaga maatim itong mgs accounts na Ito. Sorry but im just trying to protect my son. So please please if you guys don’t mind stop na. Itong tiktok account na to ilang beses ko na Ito Ini report and I’m gonna keep reporting you or whoever na gagawa pa ng iba pang account para kay Nate. If you guys noticed I hardly post his pictures na kasi nga bininigyan na namin sya ng privacy,” dagdag pa ng singer.


Bukod dito, nagpost pa si Regine sa Twitter para ipaliwanag ang kanyang saloobin.

“Ang hindi ko gusto kasi yung ginagamit name nya. Why because for the longest time hindi ko magamit yung sarili kong pangalan dahil ginamit nyo na. I just don’t want him to experience that. I also don’t want people exploiting MY pix of him,” aniya.

Si Nate ay 10-taong gulang pa lamang.

The post Regine gusto maging tahimik buhay ng dyunakis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/regine-gusto-maging-tahimik-buhay-ng-dyunakis/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=regine-gusto-maging-tahimik-buhay-ng-dyunakis)