Si Anakalusugan Party-list Rep. at mayoral candidate Mike Defensor ang napipisil ng mga retiradong principal at supervisor sa Quezon City para maging susunod na alkalde ng lungsod.

Bilang katunayan, pumirma ang mga retiradong principal at supervisor ng Manifesto of Support to Defensor, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa kandidatura ng mambabatas.

Sila ay mula sa Principals & Supervisors Association of the Philippines (PRINSA)- Quezon City Chapter.

“We stand solidly behind the candidacy of Congressman Michael Tan Defensor for Mayor of Quezon City,” saad sa naturang manifesto.

Ayon sa mga miyembro ng PRINSA-QC, sila ay may tiwala sa kakayahan ni Defensor na gawing mas masigla, mas maunlad, at mas malinis ang Quezon City.

“We firmly believe that as the new mayor of Quezon City, Mike Defensor can truly and effectively represent the dreams and aspirations of its people, particularly the marginalized and the disadvantaged,” saad pa sa manifesto.

Sa pagpirma nila ay kanila ring ipinangangako kay Defensor na gagawin nila ang lahat upang masiguro ang panalo nito sa 2022 elections.

Pinasalamatan naman ng kampo ni Defensor ang PRINSA sa kanilang suporta.

The post Retiradong principal, supervisor sa QC manok si Defensor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/retiradong-principal-supervisor-sa-qc-manok-si-defensor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=retiradong-principal-supervisor-sa-qc-manok-si-defensor)