Bilang regalo ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa kanilang mga fan ay ihahandog nila ang musika ng bandang Southborder sa finals ng invitational tournament sa Disyembre 23 sa Mall of Asia Arena.

“We had a lot of firsts during the 13-day Invitational tournament,” wika ni Chooks-to-Go president Ronald MascariƱas. “We were the first league to open the SM Mall of Asia Arena. We were the first league to open to the fans. And now, we will be the first to hold a live concert.

Ito ang unang pagsasama-sama ng mga orihinal na miyembro ng Southborder gaya nina Luke Mejares, Duncan Ramos at Jay Durias matapos ang ilang taon.

“This is our gift to the fans who have religiously supported Chooks-to-Go, the MPBL, and Filipino music,” wika pa ni MascariƱas, na pinagkatiwalaan ni Senador Manny Pacquiao na pamahalaan ang MPBL.

Ngayong Miyerkoles ang semifinals ng invitational tournament ng MPBL at bukas ng alas-1:00 ng hapon ang battle for third.

Ang pagbubukas naman ng MOA Arena para sa concert ng Southborder ay alas-6:00 ng gabi, at magsisimula ang tugtugan alas-7:30 ng gabi.

Libre ang entrance para sa mga bakunadong indibidwal.

Sa halftime ng finals, manghaharana naman ang bandang Mojofly.

The post Reunion ng Southborder, pampasiklab sa MPBL finals first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/reunion-ng-southborder-pampasiklab-sa-mpbl-finals/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=reunion-ng-southborder-pampasiklab-sa-mpbl-finals)