Sa unang pagkakataon, may intimate scene sina Ken Chan at Rita Daniela sa romantic drama film nila na pasok sa Metro Manila Film Festival.

Kaya naman nang tanungin si Rita kung ano ang masasabi niya sa bed scene nila ni Ken sa “Huling Ulan sa Tag-Araw” ay walang kiyeme ang naging sagot ng aktres.

“Sarap! Diyos ko, aarte pa ba ako? Si Ken Chan ‘yan, ang guwapo-guwapo!” natatawang tsika ni Rita.

At dahil first-time raw nila ginawa ang intimate scene ay naka-tatlong take sila.

Sumikat ang “RitKen” matapos pumatok sa madla ang chemistry nina Rita at Ken sa 2018 afternoon drama series na “My Special Tatay”.

The post Rita sa bed scene kay Ken: Sarap! Aarte pa ba ako? first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rita-sa-bed-scene-kay-ken-sarap-aarte-pa-ba-ako/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rita-sa-bed-scene-kay-ken-sarap-aarte-pa-ba-ako)