Inalis ng Reserve Command ng Philippine Army ang anim na reservist officer dahil sa pagtakbo ng mga ito sa 2022 elections, kabilang ang mga senatoriable na sina Robin Padilla at Herbert Bautista.

Si Padilla na may ranggong Captain, ay nilisan na ang kanyang position bilang pinuno ng communications panel ng Multi-Sectoral Advisory Board ng Army.

Samantala, si Bautista naman ay may ranggong Brigadier General.

Gaya nila, inalis na rin bilang reservist sina Col. Isidro Ungab na kandidato sa pagkakongresista sa 3rd District ng Davao, Lt. Col Eugene Balitang na kumakandidatong kinatawan ng Ifugao, Lt. Col. Jayvee Tyron Uy na tumatakbong bise gobernador sa Davao de Oro, at si Lt. Col. Rhodora Cadiao na tumatakbong gobernador ng Antique.

Ang pag-alis sa pwesto sa mga naturang reservist ay parte ng layunin ni AFP commander Lt. Gen Andres Centino na maging non-partisan ang mga sundalo sa 2022 elections.

“We assure the public that as a professional organization, the military will be non-partisan. We will perform our mandate of ensuring fair elections,” ani Centeno. (mjd)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Robin, Bistek nagbabu na bilang army reservist first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robin-bistek-inalis-bilang-army-reservist1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robin-bistek-inalis-bilang-army-reservist1)