Maraming ginugulat ang bagitong Houston Rockets matapos nilang ilista ang kanilang ikaanim na sunod na panalo ngayong Lunes sa pamamagitan ng 118-108 panalo kontra sa New Orleans Pelicans.

Bumida sa Rockets ang tambalan nina Eric Gordon at Christian Wood na parehong kumamada ng 23 points.

Bukod sa kanila at apat pang manlalaro ng Houston ang umiskor sa double digits.

Kaya naman, mula sa 1-16 kartada ay umangat sa 7-16 ang Rockets.

Ginawa nila ito ng wala ang mga bagitong kamador na sina Jalen Green at Kevin Porter Jr.

Ang Houston din sa ngayon ang pinakamainit na koponan sa liga.

Kinapos naman ang binuhos na 40 points ni Brandon Ingram para sa New Orleans, na bumagsak sa 7-19 ang kartada at ‘di pa nakakalaro si Zion Williamson. (mjd)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post Rockets tuloy ang ratsada; tinusta Pelicans first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rockets-tuloy-ang-ratsada-tinusta-pelicans/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rockets-tuloy-ang-ratsada-tinusta-pelicans)