Tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa Sarangani Island, Davao Occidental nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-7:48 ng umaga inuga ang Sarangani.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 156 kilometro.

Walang inaasahang pinsala matapos nito ang Phivolcs ngunit may aftershocks.

The post Sarangani niyanig ng magnitude 6.1 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sarangani-niyanig-ng-magnitude-6-1-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sarangani-niyanig-ng-magnitude-6-1-2)