Napili ang P-pop boy group na SB19 bilang bagong mga youth ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Ayon sa NCCA, napili nila ang SB19 hindi lamang dahil sa kanilang kasikatan at mga fan kundi ang suporta nito sa komisyon.

“SB19 was chosen to be the NCCA Youth Ambassadors and face of Sentro Rizal not only because of their growing fanbase and influence in the local and international scenes, but also of their willingness to support the NCCA’s endeavours,” saad nito.

Dagdag pa ng NCCA, nagpakita ang SB19 ng “genuine care for advocacies” na tumutulong sa pagsulong ng sining at kultura ng Pilipinas sa buong mundo.

Mayroong limang miyembro ang SB19 – sina Pablo, Josh, Justin, Ken at Stell.

Sila ang unang Filipino group na na-nominate bilang Top Social Artist sa Billboard Music Awards.

The post SB19 bagong ambassador ng kabataan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sb19-bagong-ambassador-ng-kabataan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sb19-bagong-ambassador-ng-kabataan)