Matapos simulan ng Billboard ang bagong chart na Hot Trending Songs ilang linggo ang nakakaraan, ang Korean group na BTS lang ang naka-upo sa number one slot – bago umangat ang Pinoy boy band na SB19.

Ayon sa ulat ng Forbes, ang SB19 ang numero uno sa inilabas ng Hot Trendings Songs ngayong linggo para sa kanta nilang ‘Bazinga.’

Noong nakaraang linggo ay pang-walo sa listahan ang Bazinga.

Ang Hot Trending Songs chart ng Billboard ay nagpapakita ng mga pinaka-pinaguusapang kanta sa Twitter kada linggo.

Mula nang simulan ang chart pitong linggo na ang nakakaraan, ang bandang BTS lang ang nasa number one slot, kung saan nagpapalitan lang sa itaas ang mga awitin nilang ‘Permission To Dance’ at ‘Butter.’

Kaya naman ang SB19 ang unang artist na pumalit sa BTS sa naturang chart.

The post SB19 dinaig ang BTS first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sb19-dinaig-ang-bts/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sb19-dinaig-ang-bts)