Nanawagan ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) sa Supreme Court (SC) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) na “disiplinahin” si Atty. Larry Gadon dahil sa kakila-kilabot na ugaling ipinakita habang minumura ang isang reporter.

Sa inilabas na statement, tinuligsa ng FOCAP ang verbal na pag-atake ni Gadon kay Raissa Robles, Manila correspondent ng South China Morning Post.

Anang FOCAP, ang ginawa ni Gadon ay maliwanag na “unbecoming conduct” at labag hindi lamang sa batas ng Philippine public decency, gender respect kundi maging sa prinsipyo ng IBP.

“We call on the Supreme Court and the IBP to discipline this wayward member of the bar,” saad ng FOCAP.

“It is truly unfortunate that social media sites could be wantonly used as a platform to attack independent journalists in this gruesome manner.”

Bumuhos ang galit ni Gadon kay Robles dahil sa umano’y sinabi nito na hindi nagbayad ng buwis ang presidential aspirant na si Ferdinand Marcos Jr.

Sa viral video, tinadtad ni Gadon ng mura si Robles, kung saan sinabihan pa niya si Robles na magpatira sa aso.

The post SC, IBP kinalampag ng mga dayuhang journalist vs Gadon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sc-ibp-kinalampag-ng-mga-dayuhang-journalist-vs-gadon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sc-ibp-kinalampag-ng-mga-dayuhang-journalist-vs-gadon)