Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Department of Health (DOH) sa mga manufacturer ng mga bakuna sa posibilidad na pagpapahaba ng shelf-life ng mga bakuna na nag-expire na o malapit nang mag-expire.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang public briefing, naka-quarantine umano ang mga bakuna habang hinihintay pa ang evaluation para sa mga ito.

“Ito pong mga bakuna na na-expire at to expire ay naka-quarantine po iyan because we are coordinating with the vaccine manufacturers as to their additional evaluation kung puwedeng ma-extend ang shelf life ng mga ito,” ani Vergeire.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi naman ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje hindi bababa sa 100,000 na mga bakuna na nag-expire na ang kasalukuyang inilagay sa cold chain.

“Wala tayong dini-dispose… naka-quarantine ‘yan. Ibig sabihin pag naka-quarantine, hindi puwedeng gamitin pero tinitignan kung puwedeng gamitin,” pahayag ni Cabotaje.

Samantala, gagamitin pa rin ng pamahalaan ang ilang nag-expire na Pfizer vaccine matapos pahabain ang shelf life ng mga ito.

The post Shelf life ng mga expired na bakuna maaring ma-extend — DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/shelf-life-ng-mga-expired-na-bakuna-maaring-ma-extend-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=shelf-life-ng-mga-expired-na-bakuna-maaring-ma-extend-doh)