Ganap nang tropical depression ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) at maaari pang lumakas bilang tropical storm sa loob ng 24 oras, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Dagdag ng weather bureau, posibleng magpatuloy ang paglakas ng tropical depression bilang typhoon sa Martes ng gabi o Miyerkoles ng umaga.

Huling nakita ang tropical depression sa silangan ng Mindanao taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugsong hanggang 55 kph.

May posibilidad din umanong itaas ang Signal No. 4 sa Visayas at Mindanao.

“Current track and intensity forecast shows that there is a moderate to high likelihood that Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) will be hoisted for the provinces of Visayas and Mindanao. The highest possible wind signal that may be hoisted for this tropical cyclone is TCWS #4,” anang Pagasa. (IS)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post Signal No. 4 sa VisMin nagbabanta first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/signal-no-4-sa-vismin-nagbabanta/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=signal-no-4-sa-vismin-nagbabanta)