Magtataas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Disyembre.

Sa inilabas na abiso ng Meralco, sinabing magkakaroon ng dagdag na singil na P9.7773 per kilowatt-hour (kWh).

Humigit-kumulang P63 ang kabuuang singil ng mga residential na customer na kumukonsumo ng 200 kWh.

Ayon sa Meralco, ang pagtaas ng generation charge ang dahilan ng pagtaas ng kanilang singil.

“To cushion the impact of the previous month’s Malampaya facility maintenance shutdown, it can be recalled that the Energy Regulatory Commission (ERC) directed Meralco to defer the collection of portions of their suppliers’ generation costs and to bill these on a staggered basis beginning this December until March 2022,” pahayag ng Meralco.

The post Singil sa kuryente ng Meralco tataas sa Disyembre first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/singil-sa-kuryente-ng-meralco-tataas-sa-disyembre/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=singil-sa-kuryente-ng-meralco-tataas-sa-disyembre)