Hindi pa rin umano naibabalik ang suplay ng kuryente sa lalawigan ng Southern Leyte isang linggo matapos manalasa ang bagyong Odette, ayon sa isang lokal na opisyal.

“It is quite challenging how we could sustain the basic, urgent needs of the people considering that our local resources have been exhausted,” wika ni Danilo Atienza mula sa Southern Leyte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Nasa 100,000 katao ang inilikas sa lalawigan dahil sa bagyon Odette habang 27 ang naiulat na nasawi.

“Although our casualty is small because of early preparation and evacuation, the damage wrought by the typhoon was wide-scale,” dagdag pa ni Atienza.

Nalasap ng Southern Leyte ang hagupit ni Odette noong Disyembre 16 nang mag-landfall ang bagyo sa mga bayan ng Liloan at Padre Burgos sa nasabing probinsya.

The post Southern Leyte nangangapa pa rin sa dilim first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/southern-leyte-nangangapa-pa-rin-sa-dilim/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=southern-leyte-nangangapa-pa-rin-sa-dilim)