Matapos mag-trending ang cover nila ng kantang ‘MAPA’ ginawan din ng song cover ng American singing group na TORCH family ang ‘Star ng Pasko.’

Ang ‘Star ng Pasko’ ay ang Christmas station ID ng ABS-CBN noong 2009.

Gaya ng pag-awit nila sa kanta ng ‘MAPA’ inawit ng TORCH family ang ‘Star ng Pasko’ sa wikang Tagalog.

“‘Dahil Ikaw Bro’ – Because of You our brother Jesus! We can find joy because of You. Merry Christmas! ‘Star ng Pasko’ – May the star of Christmas light your path during the dark challenging times of life. We love you all. Merry Christmas and Happiest New Year 2022!! God bless!” saad sa description ng video na naka-upload sa YouTube.

Kaya naman bilib ang mga Pinoy sa comment section ng naturang song cover.

“You guys really can sing tagalog, I am so proud of you guys. I am a filipino so thank you for singing our language,” saad ng isang Florenze Darrell Manalac.

“Mabuhay from Philippines. I can feel the spirit of christmas to your family. Thank you for singing for this song. Love it,” komento naman ni Jef Kiuni.

Ang TORCH family ay isang American Christian singing group na pinangungunahan ng mag-asawang Craig at Stephanie Whiting kasama ang kanilang anim na anak.

The post ‘Star ng Pasko’ binuhay ng American group first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/star-ng-pasko-binuhay-ng-american-group/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=star-ng-pasko-binuhay-ng-american-group)