Ganap nang hinawakan ni Stephen Curry ang titulo bilang pinakamagaling na shooter sa kasaysayan ng NBA matapos lagpasan si Ray Allen sa bilang ng career three-pointers ngayong Miyerkoles.

Ibinaon ni Curry ang ika-2,974 tres ng kanyang karera sa unang quarter pa lang ng laban ng Golden State Warriors sa New York Knicks.

At kahit pa homecourt ng New York, nag-standing ovation pa rin ang madla sa pagpasok ni Curry ng naturang three-pointer.

Ang 2,974 career three pointers ay nagawa ni Curry sa edad lamang na 33.

Pinalakpakan din siya ni Allen na naroon sa arena. Hawak ni Allen ang unang record na 2,973 na tres.

Proud din kay Steph ang ama niya na si Dell Curry.

“I can’t explain it,” wika ni Dell sa panayam ng ESPN. “And I played with and against Ray, played against Reggie [Miller], I know how great shooters those guys were, but to know my son’s going to leave the game being the best — he already is the best shooter ever to play, and have that record, it’s unbelievable.”

The post Steph Curry hari ng tres sa NBA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/steph-curry-hari-ng-tres-sa-nba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=steph-curry-hari-ng-tres-sa-nba)