Iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang summary eviction o pagpapaalis sa mga residenteng naninirahan sa mga tabing-dagat matapos ang naging hagupit ng bagyong Odette sa mga komunidad na malapit sa dagat.

Sa isang command conference sa Cebu, sinabi ng pangulo na pwedeng ikonsidera ang summary eviction dahil nais lamang ng pamahalaan na protektahan ang mga mamamayan.

“Summary eviction. Hindi na maghintay ng korte-korte, maniwala ka diyan sa korte. Basta may mag-enter diyan—about intervention, usually ‘yung mga writ of injunction ganoon—eh ‘di sabihin lang natin, ‘You know, judge, this is what the government wants: to protect its citizens,’” ani Duterte.

Nasaksihan mismo ni Duterte ang epekto ng bagyong Odette, partikular sa mga komunidad na malapit sa dagat.

Batay sa datos, 378 na ang naiulat na nasawi dahil sa bagyo, habang aabot sa P20 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Summary eviction hirit ni Duterte sa mga residenteng malapit sa dagat first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/summary-eviction-hirit-ni-duterte-sa-mga-residenteng-malapit-sa-dagat/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=summary-eviction-hirit-ni-duterte-sa-mga-residenteng-malapit-sa-dagat)