Aabutin hanggang sa susunod na taon upang ganap na maibalik ang suplay ng tubig sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette, ayon sa Local Water Utilities Administration (LWUA).

“Sa tingin ko po next year pa ‘yan,” pahayag ni LWUA corporate board secretary Abner Malabanan sa panayam sa “Unang Balita” nitong Huwebes.

Ani Malabanan, hirap umano silang ayusin ang suplay ng tubig dahil sa kawalan ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Para sa mga lugar naman na may generator, nauubos na umano ang suplay ng diesel para paganahin ang generator dahil sa tumaas ang presyo nito.

Ngunit, sinabi ng LWUA, magpapadala ito ng mobile water treatment facility para makapaghatid ng maiinom na tubig sa mga sinalanta ng Bagyong Odette.

The post Suplay ng tubig sa mga lugar apektado ni Odette sa 2022 pa balik first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/suplay-ng-tubig-sa-mga-lugar-apektado-ni-odette-sa-2022-pa-balik2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=suplay-ng-tubig-sa-mga-lugar-apektado-ni-odette-sa-2022-pa-balik2)