Posibleng itaas sa 100% mula sa 70% ang herd immunity dahil sa banta ng mga bagong COVID-19 variant partikular na ang Omicron.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega na mapoprotektahan lamang ng 70% herd immunity ang mga may matinding impeksyon ng orihinal na COVID.

“‘Yung 70% ‘yun ‘yung sa original strain ng virus natin ‘yung SARS-CoV-2. Ngayon nagkakaroon ng maraming variant, kailangan taasan ang herd immunity. In fact, target natin 90% or kung puwede 100%,” lahad ni Vega.

Dahil sa banta ng Omicron variant, nanawagan si Vega sa publiko na magpabakuna na.

“Ito ang isang pamamaraan na maka-stop sa transmission or viral loads ng COVID-19 sa isang tao,” aniya.

Batay sa datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, mahigit 37 milyon na ang fully vaccinated laban sa COVID sa Pilipinas.

The post Target na herd immunity itataas sa 100% first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/target-na-herd-immunity-itataas-sa-100/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=target-na-herd-immunity-itataas-sa-100)