Haharap sa korte ang sikat na American singer na si Taylor Swift.

Ayon sa The Guardian report, kaugnay ito sa akusasyon na plagiarism o pangongopya ng lyrics laban sa singer para sa kanta nitong “Shake It Off”.

Na-dismiss na ang kaso noong 2018 ngunit nagtagumpay ang apela ng mga naghahabol laban kay Swift.

Tinanggihan ng isang US judge ang kahilingan ni Swift na ma-dismiss ang kaso sa kadahilanang maaaring makita ng isang hurado na kinopya ng “Shake It Off” ang “Playas Gon’ Play”, isang kanta na inilabas ng girl group na 3LW noong 2001.

Parehong nagtatampok ang dalawang kanta ng mga variation ng linyang “players gonna play” at “haters gonna hate”.

Wala pang komento hinggil dito ang mga kinatawan ni Swift. (IS)

The post Taylor Swift lilitisin sa pangongopya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taylor-swift-lilitisin-sa-pangongopya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=taylor-swift-lilitisin-sa-pangongopya)