Pagiging lider na may tunay na tapang sa pagsugpo ng katiwalian ang selyo ni Partido Reporma chairman Panfilo “Ping” Lacson na tumatak sa kanyang mga kababayan sa General Trias City, Cavite.

Bumalik si Lacson sa kanyang home province nitong Biyernes, kasama ng running mate niya na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III at mga senatorial bet na si Dra. Minguita Padilla, retired General Guillermo Eleazar at ang guest candidate ng Partido Reporma na si Raffy Tulfo, upang konsultahin ang mga tsuper at operator ng tricycle at mga lokal na lider.

Iniwang mensahe ni Lacson sa mga Caviteño ang pagiging bahagi nila sa solusyon laban sa kotong at korapsyon sa gobyerno.

The post ‘Tayo ang tatapos sa kotong’ – Ping first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tayo-ang-tatapos-sa-kotong-ping/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tayo-ang-tatapos-sa-kotong-ping)