Lumutang sa isang video ang isang babae na sinasabing siya ay nag-time travel sa taong 3812 at bilang patunay, may picture umano siya ng planetang Mars mula sa future.

Ang babae, na kinilala lamang sa pangalang ‘Mary,’ ay nagsabing natitirhan na ang Mars sa taong 3812 ngunit sakop na umano ito ng China.

“So I appeared on Mars, it looked like a desert with many buildings, I immediately took a photo,” saad ni Mary sa video, kung saan hawak pa niya ang sinasabing larawan na kinuhanan niya sa Mars.

“You can see the spaceships on which we came, you can also see the buildings,” dagdag pa ni Mary. “Mars was very interesting and at the same time very frightening.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may lumutang sa social media para sabihing sila ay nag-time travel.

The post Time traveler: Mars sinakop ng China sa taong 3812 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/time-traveler-mars-sinakop-ng-china-sa-taong-3812/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=time-traveler-mars-sinakop-ng-china-sa-taong-3812)