Naghihiyawan na ang mga fan ng Oklahoma City Thunder matapos maipasok ni Shai Gilgeous-Alexander ang panablang tres na nag-iwan ng 1.4 segundo sa orasan. Ngunit kahit wala ng time-out, nagawa pa ring ipanalo ni Devonte’ Graham ang New Orleans Pelicans.

Kinuha ni Graham ang pasa at ipinasok ang tres 65-feet mula sa kanilang basket para tulungan ang Pelicans na itakas ang 113-110 panalo kontra sa Thunder ngayong Huwebes.

Bago ito, tinabla muna ni Gilgeous-Alexander ang laro sa 110-110 matapos ipasok ang balibag na tres.

Handa na sanang magdiwang ang mga fan ng OKC ngunit biglang binalibag ni Graham ang bola at nagwagi pa ang road team.

Tumapos si Graham ng may 15 points, ngunit nanguna para sa Pelicans si Brandon Ingram na bumira ng 34 points.

Bumida naman para sa Thunder si Gilgeous-Alexander sa kanyang 33 points.

The post Tirang-bahala ni Graham nagpanalo sa Pelicans first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tirang-bahala-ni-graham-nagpanalo-sa-pelicans/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tirang-bahala-ni-graham-nagpanalo-sa-pelicans)